Eh di wow

Sa totoo lang, ganon na lang ako kasigurado na magkakaroon ako ng sariling bahay na nuknukan ng laki na kahit sinong makakita iisiping mayaman ako.

Seryoso, alam mo yung feeling na tadhana ko yung magkaroon ng magarang bahay.

Tumitingin tingin na nga ako sa paligid. Baka sakaling merong akong matipuhan, yung merong lukso ng dugo at magpapathump-thump-thump ng puso ko..

Ang tanong na lang,
San kaya ako kukuha ng pera pambili ng malaking bahay?

Lucky and Happy!

So, I logged-in in my icloud account and wonder if I should buy their $.99 icloud storage plan per month. Well I thought about it and wondered what’s the pro and con and the advantage of having it over my existing one drive account.

So I logged-in this time in my onedrive account just to check how much available storage I still have. It turned out that I have a 30GB storage that I accumulated over time for free. I also noticed that there’s a banner notification that says they’ll downgrade my storage to the regular 5GB account by July. So I’ll be losing my extra 25GB?? But to make it up for it, Microsoft is offering a free Office 365 for one year with a free 1TB one drive space! O_O

Why would I refuse? All I have to do is sign up.

So, here I am, with Microsoft Office 365 (1 year subscription) now installed on my laptop which I got for free! Regular price costs $69 hehehe.

and I also got 1TB space in my one drive account valid for 1 year. and I also have a free 60 minutes skype call credit every month!

I’m very lucky and happy, and I’m really grateful!

Short Time Goal

Today, I intend to finish all pending task by end of May.

Wala akong masisimulang iba kung hindi ko matapos tapos ang nasa plate ko ngayon.

Magkakaroon lang ako ng magkakaroon ng walang katapusang excuse kung hindi ko tatapusin kung anong mga task ang meron ako.

P.S.
I don’t mean to be conceited but today, I feel beautiful. :)
Something about my hair, feeling ko kamukha ko si Akane Tendou. hehehehe

Pilipinas, babalik na ako, maghanda ka na

Malapit na. Sa loob ng tatlong taon at mahigit, eto na ako, wala nang makakapigil.

Uuwi na ako. Makakauwi na ako. Marami akong dapat gawin, marami akong gustong gawin. Marami akong gustong puntahan at marami akong dapat ayusin.

Hindi ako makapaniwalang ang bilis ng araw, ng buwan, ng taon. Parang kailan lang nung iwan ko ang perlas ng sinilangan.. makakabalik na rin ako sa wakas.

Sa totoo lang, gusto kong ipagsigawang uuwi na ako. Gusto kong iannounce sa lahat pero hindi ko magawa. Gusto kong icelebrate ung pag-uwi ko dahil hindi ko kayang kimkimin ung saya na nasa puso ko..

Darating na ang Diwatang Prinsesa, Pilipinas, maghanda ka na dahil sobrang miss na kita! :)

Achieve na achieve

Feeling pm ako kanina sa pag uutos ng gagawin, hayyy hindi talaga para sakin yung trabaho na yun. Kasi katulad ng inaasahan ko, nung hindi nagawa ng isa, ako ang gumawa :D

Anyway, ang mahalaga nagawa.

Naipasa ko na rin yung dalawa kong assignment. Bukas punta ako ng school para magrequest ng extension. Kung papayag sila eh di mabuti. Kung hindi, eh di aral aral na lang sa pinas. :)

Ang mahalaga ‘keep moving forward’.

Marami akong dapat asikasuhin bukas. Yakang yaka. Para sa pag-uwi, kakayanin ko :)

Nagawa ko, sa palagay ko hindi naman tsamba.

Mayroong tinik na project ang nakatoka sakin. Aaminin ko mahirap, iniisip ko pa lang, pakiramdam ko na hindi para sakin un dahil pang back-end developer ung pinapagawa nila..

Hanggang sa mag-email ung client na may ari nung website na un about a bug in their system. Ang project na matagal ko nang iniiwasan, wala na akong kawala.

Mula umaga, hanggang tanghali, hanggang maglunchbreak, 10 mins na lang ako kumain ng tanghalian.. Sinubukan kong hanapin ang puno ng code, at ala-una impunto.. nakuha ko.

Nagawa ko. Ang saya ng client. Wala akong pakialam sa papuri nya, pero may pakialam ako sa self-fulfillment na pakiramdam. Nagawa ko. Nahanap ko sa libo libong lines of code.

Hindi ko lang nagawa, naintindihan ko pa. Hindi sya tsamba. Gumagaling na ako!

Hurrah!!! :D

P.S.
Masusubmit ko ang assignment #1 ko ngayong araw :)

Gusto kong magpasalamat

Gusto kong magmuni-muni sa mga nangyari at kaganapan ngayong mga nakaraang linggo. Pakiramdam ko marami akong kailangang isipin. Pero bakit parang isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. “Thank you, God”. “Salamat po”. “Kayo po ang bahala sa lahat”.

Gusto kong simulan lahat ng bagay na dapat ko nang tapusin. Gusto ko ring mag-alala.. pero pakiramdam ko, magiging maayos din ang lahat at wala akong dapat ipag-worry. “Salamat po, Dyos ko”. Pakiramdam ko talaga, nasa akin ang lahat ngayon.

Kailangan kong magblog ngayon, dahil pakiramdam ko hindi sapat ang simpleng dasal ng pasasalamat, pakiramdam ko, dapat kong ipagsigawan sa mundo, “Maraming Salamat po, Lord God” sa lahat lahat ng blessings. Hindi ko lubos na maisip kung anong meron ako ngayon pero ang alam ko, sa mga oras ngayon, labis akong nagpapasalamat.

Thank you po sa lahat ng blessings at gabay.

Puro blessings lang at happy thoughts

Sabi nila hindi ko daw makokontrol ang mga tao sa paligid ko. Pero kayang kaya ko raw kontrolin ang emosyon at attitude ko sa isang bagay o pangyayari.

Simula ngayon, sa twing pakiramdam ko ay naaagrabyado ako at gustong gusto ko nang magreklamo at magngangangawa, susulat ako ng blog post na maglalaman lamang ng magandang nangyari para sa araw na yun.

Hindi ko na hahayaang maramdaman na may diperensya sa akin.

Hindi ko na ring hahayaang magworry ako sa hinaharap. Wala rin namang malalang mangyayari kahit anong mangyari kaya walang dahilan para takutin ko ang sarili ko di ba?

Sino nga bang may gusto na kontrolin ang ibang tao? Nakakapagod yun ah! Ang mundo ko ang kokontrolin ko at yun tiyak masaya. :)

Magandang araw lang palagi. Yun lang ang dapat mangyari at wala ng iba. :)