Monthly Archives: March 2016

Nagawa ko, sa palagay ko hindi naman tsamba.

Mayroong tinik na project ang nakatoka sakin. Aaminin ko mahirap, iniisip ko pa lang, pakiramdam ko na hindi para sakin un dahil pang back-end developer ung pinapagawa nila..

Hanggang sa mag-email ung client na may ari nung website na un about a bug in their system. Ang project na matagal ko nang iniiwasan, wala na akong kawala.

Mula umaga, hanggang tanghali, hanggang maglunchbreak, 10 mins na lang ako kumain ng tanghalian.. Sinubukan kong hanapin ang puno ng code, at ala-una impunto.. nakuha ko.

Nagawa ko. Ang saya ng client. Wala akong pakialam sa papuri nya, pero may pakialam ako sa self-fulfillment na pakiramdam. Nagawa ko. Nahanap ko sa libo libong lines of code.

Hindi ko lang nagawa, naintindihan ko pa. Hindi sya tsamba. Gumagaling na ako!

Hurrah!!! :D

P.S.
Masusubmit ko ang assignment #1 ko ngayong araw :)

Gusto kong magpasalamat

Gusto kong magmuni-muni sa mga nangyari at kaganapan ngayong mga nakaraang linggo. Pakiramdam ko marami akong kailangang isipin. Pero bakit parang isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. “Thank you, God”. “Salamat po”. “Kayo po ang bahala sa lahat”.

Gusto kong simulan lahat ng bagay na dapat ko nang tapusin. Gusto ko ring mag-alala.. pero pakiramdam ko, magiging maayos din ang lahat at wala akong dapat ipag-worry. “Salamat po, Dyos ko”. Pakiramdam ko talaga, nasa akin ang lahat ngayon.

Kailangan kong magblog ngayon, dahil pakiramdam ko hindi sapat ang simpleng dasal ng pasasalamat, pakiramdam ko, dapat kong ipagsigawan sa mundo, “Maraming Salamat po, Lord God” sa lahat lahat ng blessings. Hindi ko lubos na maisip kung anong meron ako ngayon pero ang alam ko, sa mga oras ngayon, labis akong nagpapasalamat.

Thank you po sa lahat ng blessings at gabay.

Puro blessings lang at happy thoughts

Sabi nila hindi ko daw makokontrol ang mga tao sa paligid ko. Pero kayang kaya ko raw kontrolin ang emosyon at attitude ko sa isang bagay o pangyayari.

Simula ngayon, sa twing pakiramdam ko ay naaagrabyado ako at gustong gusto ko nang magreklamo at magngangangawa, susulat ako ng blog post na maglalaman lamang ng magandang nangyari para sa araw na yun.

Hindi ko na hahayaang maramdaman na may diperensya sa akin.

Hindi ko na ring hahayaang magworry ako sa hinaharap. Wala rin namang malalang mangyayari kahit anong mangyari kaya walang dahilan para takutin ko ang sarili ko di ba?

Sino nga bang may gusto na kontrolin ang ibang tao? Nakakapagod yun ah! Ang mundo ko ang kokontrolin ko at yun tiyak masaya. :)

Magandang araw lang palagi. Yun lang ang dapat mangyari at wala ng iba. :)

Umaga at pananghalian

Lunch time ko ngayon at sa red river college ako nagdecide kumain imbes sa opisina. Nakakamiss uminom ng kape sa tim hortons eh, Saktong sakto sa malamig na panahon.

Ang umaga kanina maganda, naalala ko tuloy ang umaga sa pinas. Ganon ang pakiramdam, payapa. Fresh na fresh, tamang tama na bumungad sayo kapag bago kang gising, para bang bagong simula na naman. :)

Maganda ang araw ngayon, masaya. Masarap ang panahon. Hayy, hindi na ako makahintay para maka uwi ng pinas.

Maraming maraming salamat sa pagkakataon.
Best morning ever!