My thoughts on ABS-CBN vs ALDUB Kalyeserye

Lumaki akong nanonood ng kapamilya shows. Nung nabubuhay nga ang tatay ko, ang pinaka-favourite nya ay Home along da riles. Dinadala ko rin ang nanay ko sa sinehan para makanood ng tagalog movies. At note, hindi lang basta tagalog movies. Dapat movies lang ng dos dahil hindi nya kilala ang mga artista ng syete.

Kahit nga sa anime (dahil isa akong otaku), kung papipiliin ako nang magdudub sa mga fave anime ko, mas gugustuhin kong dos na lang sana. Hindi ko rin bet ang mga teleserye ng GMA. Ewan ko ba, parang may mali sa aura ng drama nila. Parang drama sa tv talaga. Walang relate factor? Hehehehe, hindi ko alam at hindi iyun ang point ng blog post na ito.

Hanggang ngayon naman, sinusubaybayan ko ang mga teleserye sa TFC. Wala akong napalampas na episode ng Got to Believe nina Kathryn at Daniel. Affected na affected nga rin ako sa character ni Jericho na si Gael, hindi na lang tantanan si Mia at Carlos Antonio. At mangiyak ngiyak din ako nung nalaman ni AVL na si Nathaniel pala ang namatay nyang apo!

Isa akong ALDUB fan. Sinusubaybayan ko ang kalyeserye. Hindi ako masyadong active sa twitter dati pero nung nagkaroon ng ALDUB, natutunan kong i-follow ang tweets nina Maine, Alden, Joey at Allan K. At dahil 11 hours ang time difference ng Pinas dito sa Canada, kinabukasan ko na napapanood ang kalyeserye. Buti na lang may subscription kami ng GMA Pinoy TV, at pwedeng irecord ang bawat episode.

So tuwing umaga pagkagising, chinecheck ko ang hashtag sa twitter at binabasa ang mga tweets para malaman kung anong nangyari sa kalyeserye. Spoiler bago ko mapanood? Yup, excited ako eh.

Naniniwala akong malakas ang ABS-CBN. Hindi ko pinagdudahan yun. At nung nalaman kong magsasanib pwersa lahat ng kapamilya love team para tapatan ang EatBulaga sa ShowTime? Alam mo ba yung naramdaman ko? Parang isang batang inapi ang ALDUB at ang ABS-CBN ung mga naglalakihang higante na pipisa sa kanya. Wrong move, ABS-CBN. Maling mali. Sa ginawa nyo, lalo nyong pinag-alab yung nararamdaman ng mga ALDUB fans para suportahan ang Eat Bulaga. Alam na alam naman ng lahat na ang mga Pilipino ay sadyang emosyonal. Kantihin nyo ang kahit sino sa mga taong pinahahalagan nila ay magkakalaman na, di ba?

Dumating ang Friday, 11am dito. 12 midnight sa Philippines, Saturday. Naglabas ng HashTag ang EatBulaga. Guess what happened next? I tweeted and tweeted and tweeted! Wala na yata akong nagawang iba kundi ang magbasa ng tweet, magretweet at magreply sa mga tweet. In fairness, masaya ring magbasa at makipagkwentuhan sa kapwa fan ng ALDUB. Nangyari lahat sa loob ng 140 Characters Limit with HashTag #ALDubEBforLOVE. Nag-enjoy rin naman ako.

Sa araw na yun, susuportahan ko ang ALDUB. Kahit anong mangyari. Hindi ako papayag na kawawain lang sya ng walang kalaban laban. “Uy mali yung hashtag mo”, “Uy nakalimutan mong maglagay ng hashtag sa reply mo”. Uy spammer, REPORT and Block! Ginawa ko ang lahat para bantayan ang twitter feeds, adik lang? Siguro. Pero yung feeling habang nagiging saksi ka sa bawat milyong dumadaan every hour? Masarap. Walang words na makakadescribe, gano man kahaba abutin tong blog post ko na to.

Hindi ako naniniwalang majority ng fans ng ALDUB ay fans ng GMA Network. Katulad ko, hindi ako fan ng GMA Network. Marami rin sa mga kaibigan ko, ang nanonood ng teleserye ng dos pero ALDUB fan. San kukunin ng ALDUB ung mga fans nila? Malamang sa ABS-CBN din di ba? Nung nagkaroon nga ng HashTag ang GMA ng proud kapuso something, ilan lang nakuha nila? 240,000+ tweets? Kumpara sa milyong-milyong tweets ng ALDUB, wala sila sa kalingkingan. Kaya kung may mga bashers sa fanpage ng ABS-CBN na fan ng ALDUB, malamang fans ng ABS-CBN un na naglike ng fanpage nila! Bakit ako aware sa mga hate messages nila? Malamang nakaLike sa FB ko ang page ng ABS-CBN eh.

At yung sinabi ni Vice Ganda sa fanpage nya na “REAL and ORGANIC” ung 6 million tweets nila? Anong ibig sabihin nun sa 25 milliong tweets na nagawa namin? Peke? Okay ka lang? Dati akong nanonood ng Showtime dati. As in nung nagsisimula pa lang si Vice Ganda sa “May nagtext” line nya habang nagjujudge sa mga contestants ng ShowTime, araw araw kong sinubaybayan yun. Ang dami ko ngang tawa nung ginuest nya si Duterte at Kathniel sa Gandang Gabi Vice. Pero nung sinabi nyang “REAL and ORGANIC” ung 6 million tweets nila? Anong gusto nyang palabasin sa mga pinaghirapan kong tweets?? Ouch naman, matuto naman sanang wag-insultuhin ang kahit anong pinaghirapan o binigyang effort ng isang tao!

Sana alam nila na hindi GMA o Eat Bulaga ang kinakalaban nila. Mga fans. Ang ALDUB Nation. Yung mga fans na bumubuhay din sa network nila.

These are my thoughts. Naglalabas lang ng sama ng loob. Hindi ako nagcocomment sa Facebook pag ng ABS-CBN. Hindi ko naman sila binabash. Ang katunayan, ini-unlike ko na rin yung page nila dahil kumpara sa Facebook page ng EatBulaga at GMA news network, puro negative vibes na ang fanpage nila.

P.S.
Kababawan man o hindi, walang karapatan ang KAHIT sinong QUESTIONIN ang kahit anong magpapasaya sa isang tao, lalo na sa isang OFW.

Good vibes lang lagi. :)

  • inday

    Ur right at very well said ang P.S. mo “kababawan man o hindi, walang karapatan ang sinong questionin ang kahit anong magppsaya saisang tao lalo na sa isang ofw

  • inday

    Mas gusto ko pang panoorin ang comedy like kalye serye na magbbigay ngiti sa akin kaysa sa broadway show ni lea s

  • inday

    Kababawan daw ang sabi ng mga nagdudunung dunungan na kababayan natin. Dapat matuto sila sa comment ni shea arender about miane mendoza ” The important is how you make people happy ….” Learn from him lea s, jobert sucaldito, bianca